Category: Random Ramblings (ver: Tagalog)
Noong ako ay tumuntong ng mababang paaralan, pinag buti ko ang aking pag-aaral. Lagi nga wala noon ang aking ama dahil siya ay isang geologist sa ibang bansa. Hindi na kami masyadong nagkikita pero sabi ko kaya ko naman mag-aral at sagutin ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Hindi ako mahilig sa mga laruan o makipaglaro sa mga kapitbahay. Naalala ko na hindi ako masyadong binibilhan ng maynika o kung ano lang na mga laruan. Dapat daw educational sabi ng aking ama…lego, computer, building blocks at clay daw ang bilhin para daw mapagbuti ang imahinasyon ng mga bata. Hindi man lang ako nakaranas ng mga patintero masyado o tumbang preso o tagu-taguan dahil tago ako ng tago sa bahay…nakabaon sa aking mga libro. Ayos naman ang aking mga grado noon. Lahat sinasalihan ko na rin. Ang sabi ko nga sa aking sarili..minsan lang tayo mabuhay kaya naman gawin na natin ang lahat. Pinagbuti ko ang pagtugtog ng piano, pagtutula, pagsusulat ng mga kuwento, pagsasayaw at kung anu-ano pang puwedeng salihan sa paaralan. Nappatuloy ang ganito hanggang maabot ko ang mataas na paaralan at mapapunta sa unibersidad.
Naaalala ko ang mga panahon na ako ay naninirahan sa loob ng UP Campus. Isa itong paaralang ubod ng laki…parang higanteng lalamunin ang mga langgam na estudyanteng kumakaripas ng lakad para mag-aral. Walang ginawa kundi mag-aral…..sila ay papunta sa kani-kanilang mga silid aralan..kantina..silid aklatan o ang iba kahit sa may sunken garden, hagdan o kahit sa ilalim ng puno ayos na basta makapag-basa lang. Ako naman..nilalabas ko ang upuan ko mula sa kuwarto ng dormitoryo at maghahanap ng aking sariling puwesto kung saan ako ay makakapagmuni-muni…kahit saan basta malapit sa mga halaman. Sabi nila…mas maganda daw kapag ika'y mag-aral malapit sa mga halaman…madali mo daw maintindihan ang mga inaaral mo….di ko na alintana ang gutom o uhaw basta makapag-aral.
Pressured talaga ako noon. Bukod sa inaasahan ako ng aking mga magulang, kamag anak, kaklase at mga kaibigan na magtapos ng may titulo.. .ang mga kaklase ko ay mula sa mga science high schools. Napakagaling nilang sumagot sa klase at minamani lang ang mga exams. Kabado talaga ako noon kaya naman pag-aaral ko lamang ang aking pinagtuunan ng pansin. Bukod pa dito..napakalaki ng unibersidad.. nakakalito…nakakahilo….iba-iba ang mga tao…...personalidad, pananamit, pinanggalingan..mithiin…kurso. Tila ganito ang realidad…iba't iba talaga..ang daming puwedeng gawin..bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay… bahala ka na talaga.
Ganon ang aking buhay noong 1st year college. Panay punta sa school, library tapos uwi sa dormitory…paulit ulit lang…may hinahabol kasi akong mga grado. Nakakasakit ng ulo at nakakapuyat pero kailangan…may dapat akong panindigan sa aking pamilya. Isa pa, mahirap magkamali…ayoko..di ako iyon. Sabi ko sa aking sarili dapat maging perpekto lahat ng aking gagawin. Walang panahon para magkamali subalit wala nang pagkakataon na maulit pa ang nangyari na…at isa pa..walang panahon para sa pag-ibig..wrong timing ito..isa lang ang gagawin tungo sa pangarap at iyon ay maging disiplinado sa pag-aaral…self control kung baga. Ang pinakamahalaga ay ang pinag-aralan at dito masusukat ang maarating ng tao sa kaniyang buhay. Education bring success daw….sabi nila.
Paulit-ulit…..parang isang tape recorder…ngunit ako ay masaya naman…hanggang sa dumating ang panahon na hindi namin inaasahan. Sinugod na naman namin ang aming ina sa ospital…halos kulay asul na naman siya…cyanotic daw…hirap' talaga huminga. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko maging duktor. Bata pa lang ako sabi ko gusto ko mag medisina kasi gusto ko siyang magamot. Sa aking tanang buhay…parang pangalawang bahay ko na ang ospital. Sana'y na akong sinusugod siya sa ospital kung hirap na naman siyang huminga. Nasaulo ko na ang hitsura at amoy nito..Parang pinagahalong amoy ng swimming pool, alcohol at agua oxinada… Kahit nakapikit pa…Naririndi na din ako sa beep beep ng respirator o kaya ng call light. Minsan pa nga dito ko ginanap ang aking kaarawan…ika 13th na kaarawan ko iyon…at puro nakaputi ang aking mga bisita…sabi ng iba malas daw kapag 13 pero hindi ako naniniwala….
Noong sinugod siya sa ospital akala ko sandali lang kami noon ngunit nagkamali ako…Halos kalahating taon kami doon dahil pabalik balik ang kanyang sakit. Ang hirap talagang makita ang iyong mahal sa buhay na nagdurusa pero wala ka namang magawa…Pati bank account namin unti-unti na ring nagdurusa…Bakit pa kasi may nagkakasakit…? Bakit kailangan magdusa ang nanay? Hindi ko talaga mawari kung bakit..Simula nang ako ay ipinanganak hindi na mawala wala ang kanyang sakit. Ang tagal tagal namin sa ospital. Nakaka-stress talaga subalit habang nagbabantay ka nag-aaral ka…Minsan bigla na lang tutunog ang respirator o bigla na lang di ko makausap ng matino…parang gusto mo na mapaghinaan ng loob pero hindi puwede kasi kailangan ninyo ang isa't isa. Kailangan palaging nakangiti kapag nakaharap kay nanay…
Ganoon lamang ang buhay ko noon. Kapag okay naman ang kalusugan ng aming ina, palagi akong nasa dormitoryo at isang beses lamang sa isang linggo kung umuuwi. Kung may mangyari sa bahay…umuuwi agad ako. Matapos ang apat na taon, laking tuwa ko ng makuha ko ang aking hinahangad. Nandoon ang aking ama at kapatid noon para makasaksi ng isa sa mga napaka-espesyal na araw sa aking buhay. Hindi man nakapunta ang nanay, parang nandoon na rin naman siyang nakangiti sa aking tabi.
Ngayon, buhay pa rin ang nanay…Sabi nga ng aking ama daig pa daw niya ang pusa dahil ika-sampung buhay na niya yata ito…Hindi pa daw siya kinukuha ng Diyos kasi may misyon pa daw siya kailangang gampanan. Nakakatuwa naman kung ganon. Ang lakas kasi ng kanyang fighting spirit. Ganoon siguro talaga ang buhay…simple nga lang…ginagawa lamang kumplikado ng iba sa atin. Sa isip isip ko lang… kapag ikaw pala ay naghirap at nagdusa o masasabi mong narating mo na ang bingit ng kamatayan…doon mo matatanto kung ano lang talaga ang mahalaga sa iyong buhay. Noong mga panahong iyon…Diyos lamang ang aming gabay..siya lamang ang aming pinagkukunan ng lakas. Kahit na anong mangyari nandyan din ang aming pamilya…kahit na apat lang kami..matibay naman at matatag. Wala nang importante noon kundi iyon lang…ang Diyos at pamilya.
Ang buhay pala natin ay tila isang lapis….Sa umpisa mahaba pero darating ang panahon na tulad ng isang lapis, tayo ay mauupod din. Pero ayos lang naman kahit maupod basta naisulat ang kailangang isulat…...nagawa ang misyon sa buhay.
May mga panahong tuloy tuloy lang ang pagsulat ngunit may mga panahong tayo ay humihinto at natatasa. Kahit na masakit, tayo naman ay nagiging mas matalas..mas maalam kung kaya't mas maganda ang sulat. Ngunit hindi lamang panukat ang talas nito….tulad sa buhay..hindi lamang ang edukasyon ang batayan ng ating mararating. Ang ganda ng sulat ay produkto ng kaalaman, karanasan, prinsipyo at paninindigan ng isang tao. Ang nasa loob niya ang mahalaga....tulad ng isang lapis.
Kung minsan tayo ay nagkakamali ngunit maaari naman itong mabura at mabago. At ang panghuli, sa bawat hakbang tungo sa dulo ng bawat pahinang ating sinusulatan, tayo ay nag-iiwan ng marka…..markang sariling atin. Kung tayo lamang ay papayag na ang ating lapis ay hawakan ng Diyos, tiyak ang ating sulat ay gaganda…maupod man…ang buhay naman ay naging makabuluhan.
Ang buhay pala natin ay tila isang lapis….Sa umpisa mahaba pero darating ang panahon na tulad ng isang lapis, tayo ay mauupod din. May mga panahong masaya ngunit may mga panahong tayo ay natatasa. Kung minsan tayo ay nagkakamali ngunit maaari naman itong mabura at mabago. At sa bawat hakbang tungo sa dulo ng bawat pahinang ating sinusulatan, tayo ay nag-iiwan ng marka.
Noong ako'y musmos pa lamang…napakarami ko nang tanong sa aking ama. Minsan pa nga napapansin kong nakukulitan na siya sa akin. Sa edad na tatlong taon..umaakyat ako sa bakuran ng aming bahay at magbibilang ng 1 hanggang 100…minsan ang mga titik sa alpabeto pa nga. Wala akong sawang magtanong.. bakit asul ang langit, bakit minsan may araw minsan naman ay madilim, sino si Jesus at nang ang kapatid ko ay ipinanganak sa ospital lumapit ako sa kanya at tinanong kung paano nagkakababy…Mapasensya naman ang aking ama. Hindi ko alam kung gusto lang niya akong tumigil o matiyaga talaga siyang magturo sa isang batang katulad ko. Hindi ko lubos maisip ang misteryo na bumabalot sa ating mundo noong ako'y musmos pa lamang……
Noong ako ay tumuntong ng mababang paaralan, pinag buti ko ang aking pag-aaral. Lagi nga wala noon ang aking ama dahil siya ay isang geologist sa ibang bansa. Hindi na kami masyadong nagkikita pero sabi ko kaya ko naman mag-aral at sagutin ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Hindi ako mahilig sa mga laruan o makipaglaro sa mga kapitbahay. Naalala ko na hindi ako masyadong binibilhan ng maynika o kung ano lang na mga laruan. Dapat daw educational sabi ng aking ama…lego, computer, building blocks at clay daw ang bilhin para daw mapagbuti ang imahinasyon ng mga bata. Hindi man lang ako nakaranas ng mga patintero masyado o tumbang preso o tagu-taguan dahil tago ako ng tago sa bahay…nakabaon sa aking mga libro. Ayos naman ang aking mga grado noon. Lahat sinasalihan ko na rin. Ang sabi ko nga sa aking sarili..minsan lang tayo mabuhay kaya naman gawin na natin ang lahat. Pinagbuti ko ang pagtugtog ng piano, pagtutula, pagsusulat ng mga kuwento, pagsasayaw at kung anu-ano pang puwedeng salihan sa paaralan. Nappatuloy ang ganito hanggang maabot ko ang mataas na paaralan at mapapunta sa unibersidad.
Naaalala ko ang mga panahon na ako ay naninirahan sa loob ng UP Campus. Isa itong paaralang ubod ng laki…parang higanteng lalamunin ang mga langgam na estudyanteng kumakaripas ng lakad para mag-aral. Walang ginawa kundi mag-aral…..sila ay papunta sa kani-kanilang mga silid aralan..kantina..silid aklatan o ang iba kahit sa may sunken garden, hagdan o kahit sa ilalim ng puno ayos na basta makapag-basa lang. Ako naman..nilalabas ko ang upuan ko mula sa kuwarto ng dormitoryo at maghahanap ng aking sariling puwesto kung saan ako ay makakapagmuni-muni…kahit saan basta malapit sa mga halaman. Sabi nila…mas maganda daw kapag ika'y mag-aral malapit sa mga halaman…madali mo daw maintindihan ang mga inaaral mo….di ko na alintana ang gutom o uhaw basta makapag-aral.
Pressured talaga ako noon. Bukod sa inaasahan ako ng aking mga magulang, kamag anak, kaklase at mga kaibigan na magtapos ng may titulo.. .ang mga kaklase ko ay mula sa mga science high schools. Napakagaling nilang sumagot sa klase at minamani lang ang mga exams. Kabado talaga ako noon kaya naman pag-aaral ko lamang ang aking pinagtuunan ng pansin. Bukod pa dito..napakalaki ng unibersidad.. nakakalito…nakakahilo….iba-iba ang mga tao…...personalidad, pananamit, pinanggalingan..mithiin…kurso. Tila ganito ang realidad…iba't iba talaga..ang daming puwedeng gawin..bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa iyong buhay… bahala ka na talaga.
Ganon ang aking buhay noong 1st year college. Panay punta sa school, library tapos uwi sa dormitory…paulit ulit lang…may hinahabol kasi akong mga grado. Nakakasakit ng ulo at nakakapuyat pero kailangan…may dapat akong panindigan sa aking pamilya. Isa pa, mahirap magkamali…ayoko..di ako iyon. Sabi ko sa aking sarili dapat maging perpekto lahat ng aking gagawin. Walang panahon para magkamali subalit wala nang pagkakataon na maulit pa ang nangyari na…at isa pa..walang panahon para sa pag-ibig..wrong timing ito..isa lang ang gagawin tungo sa pangarap at iyon ay maging disiplinado sa pag-aaral…self control kung baga. Ang pinakamahalaga ay ang pinag-aralan at dito masusukat ang maarating ng tao sa kaniyang buhay. Education bring success daw….sabi nila.
Paulit-ulit…..parang isang tape recorder…ngunit ako ay masaya naman…hanggang sa dumating ang panahon na hindi namin inaasahan. Sinugod na naman namin ang aming ina sa ospital…halos kulay asul na naman siya…cyanotic daw…hirap' talaga huminga. Siya ang dahilan kung bakit gusto ko maging duktor. Bata pa lang ako sabi ko gusto ko mag medisina kasi gusto ko siyang magamot. Sa aking tanang buhay…parang pangalawang bahay ko na ang ospital. Sana'y na akong sinusugod siya sa ospital kung hirap na naman siyang huminga. Nasaulo ko na ang hitsura at amoy nito..Parang pinagahalong amoy ng swimming pool, alcohol at agua oxinada… Kahit nakapikit pa…Naririndi na din ako sa beep beep ng respirator o kaya ng call light. Minsan pa nga dito ko ginanap ang aking kaarawan…ika 13th na kaarawan ko iyon…at puro nakaputi ang aking mga bisita…sabi ng iba malas daw kapag 13 pero hindi ako naniniwala….
Noong sinugod siya sa ospital akala ko sandali lang kami noon ngunit nagkamali ako…Halos kalahating taon kami doon dahil pabalik balik ang kanyang sakit. Ang hirap talagang makita ang iyong mahal sa buhay na nagdurusa pero wala ka namang magawa…Pati bank account namin unti-unti na ring nagdurusa…Bakit pa kasi may nagkakasakit…? Bakit kailangan magdusa ang nanay? Hindi ko talaga mawari kung bakit..Simula nang ako ay ipinanganak hindi na mawala wala ang kanyang sakit. Ang tagal tagal namin sa ospital. Nakaka-stress talaga subalit habang nagbabantay ka nag-aaral ka…Minsan bigla na lang tutunog ang respirator o bigla na lang di ko makausap ng matino…parang gusto mo na mapaghinaan ng loob pero hindi puwede kasi kailangan ninyo ang isa't isa. Kailangan palaging nakangiti kapag nakaharap kay nanay…
Ganoon lamang ang buhay ko noon. Kapag okay naman ang kalusugan ng aming ina, palagi akong nasa dormitoryo at isang beses lamang sa isang linggo kung umuuwi. Kung may mangyari sa bahay…umuuwi agad ako. Matapos ang apat na taon, laking tuwa ko ng makuha ko ang aking hinahangad. Nandoon ang aking ama at kapatid noon para makasaksi ng isa sa mga napaka-espesyal na araw sa aking buhay. Hindi man nakapunta ang nanay, parang nandoon na rin naman siyang nakangiti sa aking tabi.
Ngayon, buhay pa rin ang nanay…Sabi nga ng aking ama daig pa daw niya ang pusa dahil ika-sampung buhay na niya yata ito…Hindi pa daw siya kinukuha ng Diyos kasi may misyon pa daw siya kailangang gampanan. Nakakatuwa naman kung ganon. Ang lakas kasi ng kanyang fighting spirit. Ganoon siguro talaga ang buhay…simple nga lang…ginagawa lamang kumplikado ng iba sa atin. Sa isip isip ko lang… kapag ikaw pala ay naghirap at nagdusa o masasabi mong narating mo na ang bingit ng kamatayan…doon mo matatanto kung ano lang talaga ang mahalaga sa iyong buhay. Noong mga panahong iyon…Diyos lamang ang aming gabay..siya lamang ang aming pinagkukunan ng lakas. Kahit na anong mangyari nandyan din ang aming pamilya…kahit na apat lang kami..matibay naman at matatag. Wala nang importante noon kundi iyon lang…ang Diyos at pamilya.
Ang buhay pala natin ay tila isang lapis….Sa umpisa mahaba pero darating ang panahon na tulad ng isang lapis, tayo ay mauupod din. Pero ayos lang naman kahit maupod basta naisulat ang kailangang isulat…...nagawa ang misyon sa buhay.
May mga panahong tuloy tuloy lang ang pagsulat ngunit may mga panahong tayo ay humihinto at natatasa. Kahit na masakit, tayo naman ay nagiging mas matalas..mas maalam kung kaya't mas maganda ang sulat. Ngunit hindi lamang panukat ang talas nito….tulad sa buhay..hindi lamang ang edukasyon ang batayan ng ating mararating. Ang ganda ng sulat ay produkto ng kaalaman, karanasan, prinsipyo at paninindigan ng isang tao. Ang nasa loob niya ang mahalaga....tulad ng isang lapis.
Kung minsan tayo ay nagkakamali ngunit maaari naman itong mabura at mabago. At ang panghuli, sa bawat hakbang tungo sa dulo ng bawat pahinang ating sinusulatan, tayo ay nag-iiwan ng marka…..markang sariling atin. Kung tayo lamang ay papayag na ang ating lapis ay hawakan ng Diyos, tiyak ang ating sulat ay gaganda…maupod man…ang buhay naman ay naging makabuluhan.
Written By: Lani Diana Santos
Date: 2005
No comments:
Post a Comment